Matapos akalaing namatay ang kanilang anak ni Maria (Erich Gonzales), biglang makatatanggap si Luis (Enchong Dee) ng isang hindi inaasahang tawag tungkol sa tunay na naganap sa nawala nilang anak. Ito na nga ba ang magbubulgar ng kasinungalingan nila Sabrina (Jewel Mische) at Victoria (Angel Aquino)? Samantala, lalabas na ang mga dokumentong magpapatunay na pineke ni Victoria ang papeles ng Amore na nagtanggal ng karapatan ni Sandra (Assunta de Rossi) sa kumpanya. Sinong magwawagi sa muling pgtatapat ng dating magkaibigan? Patuloy na abangan gabi-gabi sa "Maria la del Barrio" sa Primetime Bida ng ABS-CBN. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.
↧

